INIHAYAG ni Manila Mayor Francisco Domagoso na nakipag-pulong na ito kay Vice President Leni Robredo at Senador Manny Pacquiao tungkol sa Eleksyon 2022.
Sinabi ni Domagoso na sinusubukan rin nila na makausap ang iba pa kaugnay sa nakatakdang eleksyon.
Tumanggi naman ang alkalde na magbigay ng detalye sa naging pagpupulong at umaasa siyang masusundan pa ito.
Kumpiyansa naman ang alkalde ng Maynila na magkakaroon ng desisyon sa mga susunod na araw kaugnay sa eleksyon.
Samantala ngayong umaga, nanumpa bilang kasapi ng Aksyon Demokratiko na pinamumunuan ni Domagoso sina Caloocan Congressman Egay Erice kasama ang anim na mga konsehal ng lungsod.
Kasunod ito ng ginawang flag-raising ceremony sa Kartilya ng Katipunan na pinamunuan ng alkalde.

