NAKAPAGTALA na ng mahigit sa 26 libong registrants mula sa pediatric group ang pamahalaang lungsod ng Maynila para sa COVID-19 vaccination program.
Sa pinakahuling update na ibinahagi ng Manila Public Information Office, nasa kabuuang 26,630 na ang nagparehistro para magpabakuna mula sa edad 12 hanggang 17 taong gulang.
Ito ayon sa Manila-PIO ay tala hanggang ngayong Huwebes, September 16 alas 10 ng umaga.
“Persons aged 12 to 17 are now allowed to pre-register at the Manila City government’s COVID-19 vaccine registration website, www.manilacovid19vaccine.ph,” ayon sa naunang abiso ng Manila Public Information Office.
Sinabi ni Manila Mayor Francisco Domagoso na bagaman hindi pa malinaw kung kailan papayagan ng national government ang pagbabakuna sa mga pediatric groups, sinabi naman nito na maaari nang magparehistro para sa vaccination ang nasabing age groups.

