Pilipinong pari, itinalagang miyembro ng Pontifical Academy of Social Sciences

ISANG paring Pilipino ang itinalaga bilang miyembro ng Pontifical Academy of Social Sciences, ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Ang paring Pilipino ay si Fr. Albino Barrera, isang Filipino Dominican, theologian at economist. 

Si Fr. Barrera ay 65 taong gulang na pari na nakabase sa Amerika. Siya ay isa ring moral theologian at professor ng economics at theology sa Providence College sa Rhode Island.

Inanunsyo ng Vatican ang pagkakatalaga ni Fr. Barrera nitong Martes, Setyembre 14. 

Ang Pontifical Academy of Social Science ay itinatag ni Pope John Paul II noong 1994 na naglalayong pag-aralan at talakayin ang pag-usad ng mga agham panlipunan, pangunahin sa ekonomiya, sociology, law at political science.

The Academy helps offer the Church those elements which she can use in the development of her social doctrine, and reflects on the application of that doctrine in contemporary society,” ayon sa Vatican News.

Ipinanganak si Fr. Barrera sa Manila at naordenahan bilang pari para sa  Dominican Order noong 1993.

Nag-aral ng engineering sa  De La Salle University sa Manila at nakakuha ng doctorate sa economics mula Yale University noong 1988.

Nakakuha rin siya ng degree sa sagradong teolohiya mula sa Pontifical Faculty of the Immaculate Conception sa Washington, D.C., noong 1994.

Siya rin ang may-akda  ng maraming mga pahayagan sa larangan ng moral theology, economic ethics, development at  international trade.

Taong 2013 nang ipinagkaloob sa kanya ng Dominican Province of St. Joseph ang degree ng Master of Sacred Theology para sa kanyang  “outstanding contribution to the theological sciences.”

(PHOTO CREDIT: cbcpnews.net)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.