Takot ng senior citizens, hamon pa rin sa bakunahan ng gobyerno – Galvez

MALAKING hamon pa rin sa vaccination program ng gobyerno ang pag-aalinlangan at takot ng ilang mga senior citizen sa bakuna laban sa COVID-19 kaya’t hindi umaangat ang bilang ng mga natuturukan ng unang dose.

Ipinahayag ito ni National Task Force against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. sa kanyang pag-uulat sa pulong ng gabinete na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Mr. President ang talagang medyo challenge natin sa senior citizens. Nakita natin na hindi umaangat ang first dose natin… dahil sa some sort of hesitancy sa ating mga A2,” pahayag ni Galvez.

Batay sa datos ng gobyerno, aabot pa lamang sa kabuuang 2,616,273 senior citizens ang fully vaccinated o nakakumpleto na ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa ngayon ay umaabot na aniya sa 9,115,963 Pilipino ang nakakumpleto ng bakuna o katumbas ng 12.87% ng tinatarget na populasyon at 8.21% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.