Apayao, Aklan at Laguna isinailalim sa MECQ

ISINAILALIM na rin ng mas mahigpit na modified enhanced community quarantine (MECQ) ang mga lalawigan ng Apayao, Aklan at Laguna hanggang sa Agosto 15 sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 dulot ng Delta variant.

Maliban dito, isinailalim na rin sa general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions ang Cebu province hanggang sa Agosto 15. Mananatili naman ang  Cebu City sa ilalim ng MECQ.

Inihayag ni presidential spokesperson Harry Roque ang pagbabago sa klasipikasyon ng quarantine status matapos ang pulong ng mga gabinete kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa July 29 resolution, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases ang pagsasailalim sa Cebu province sa MECQ, ang Apayao naman ay GCQ at ang Aklan at Laguna sa GCQ with heightened restrictions.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.