KAKAILANGANIN ng Pilipinas ng 25 milyong doses ng bakuna kada buwan upang matugunan ang pangangailangang maturukan ang target na populasyon sa bansa na layong maabot ang proteksyon laban sa COVID-19.
Ipinahayag ito ni National Task Force against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. sa kanyang pag-uulat sa pulong ng gabinete na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Galvez na plano ng pamahalaan na makapagturok ng tatlong milyong doses kada linggo o 12 milyong dose ngayong Agosto bagamat paiiralin ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Ayong buwan umano ay may inaasahang 22,726,060 doses ng COVID-19 na darating sa bansa.
Sa ngayon ay umaabot na sa 34,275,740 doses ng COVID-19 vaccines ang natanggap ng Pilipinas.

