Mga bakunado kontra-COVID 19, libre sa MRT-3, LRT 2 at PNR

INIUTOS na ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad ng libreng pamasahe para sa mga bakunadong pasahero ng MRT-3, LRT-2 at Philippine National Railways (PNR).

Epektibo ang free ride sa mga bakunado sa Agosto 3 hanggang Agosto 20 ng kasalukuyang taon.

Ayon sa DOTr kahit ang mga nakapagpaturok pa lamang ng isang dose ay pupuwede nang makalibre ng pamasahe.

Upang maka-avail ng libreng pamasahe, kinakailangan lamang na iprisinta ng mga authorized persons outside residence (APOR) ang kanilang vaccination card bilang patunay na sila ay nakatanggap na ng bakuna.

Magbibigay naman ang Philippine Ports Authority (PPA), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), at Manila International Airport Authority (MIAA) ng libreng kape, tubig at snacks para sa mga vaccinated person na naghihintay ng kanilang biyahe sa mga pantalan at paliparan.

Nauna rito, inalis na rin muna ng DOTr pansamanntala ang terminal fee sa mga sinisingil sa bus sa PITX simula nitong Lunes, Agosto 2.

“Ang inisyatibong ito ay napagkasunduan ng buong Kagawaran ng Transportasyon upang makatulong sa pagpapanatili ng kalusugan at kaligtasan ng ating mga kababayan, at upang matulungan ang gobyerno na mahikayat ang ating mga kababayan na magpabakuna,” diin ni Transportation Secretary Arthur Tugade.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.