Dayuhang wanted sa France, timbog sa BI sa Antipolo

NAKORNER ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang 53-anyos na si Pascal Didier Gillot, na tinutugis ng mga awtoridad sa bansang France dahil sa mga kaso ng sexual abuse sa mga menor de edad sa kanyang bansa.

Target si  Gillot ng pinalabas na Mission Order ni Immigration  Commissioner Jaime Morente dahil na rin sa pagiging panganib nito sa kaligtasan at seguridad ng publiko.

Nahuli ang dayuhan  sa A. Masangkay St. sa San Roque, Antipolo City.

Sinabi ni Morente na humingi ng tulong ang French authorities para madakip ang suspek dahil na rin sa mga kaso ng panghahalay sa mga kabataan.

Ayon pa.kay Morente, isinama na rin si Gillot sa red notice ng Interpol.

Siya umano ay nanghalay ng kabataang nagkakaedad ng 15 anyos pababa  at mayroong warrant of arrest dahil sa mga kasong panghahalay sa mga kabataan.

Bukod dito, ilang beses din nitong tinangka na tangayin ang  batang biktima, na labag sa Penal Code ng Pransiya.

Nadiskubre din na overstaying na rin sa bansa ang  suspect na nakakulong sa Warden Facility sa Bicutan, Taguig, habang hinihintay ang  deportation proceedings laban dito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.