Breaking News

Share this information:

ANG Basecommunity na proyektong pabahay ng pamahalaang lungsod ng Maynila ay pinasinayaan ngayong araw.

PInangunahan ni Manila Mayor Francisco Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah ‘Honey” Lacuna-Pangan ang pagpapasinaya sa nasabing proyekto at ang pamamahagi nito sa mga kwalipikadong residente ng Baseco Compound sa Maynila.

Sa kanyang me.sahe, sinabi ni Lacuna na naging inspirasyon ang buhay Mayor Domagoso sa pagpapatayo ng nasabing proyekto

May kabuuang 229 units ang Basecommunity  kung saan nasa 96 benepisyaryo na ang nabigyan ng pabahay  matapos nilang makumpleto ang mga kinakailangang dokumento.

Ang nasabing pabahay ay mayroong monthly mandatory contribution na P2,000 para sa mga kumikita ng P12, 000 habang P3, 000 naman kapag nasa higit P13, 000 ang kita o suweldo.

Ang panahon ng pag-okupa ay aabot hanggang 50 taon para sa kada beepisyaryo na makakakuha ng unit.

Sakali namang hindi maipagpatuloy ng ookupa ang pananatili sa unit, ang susunod na titira ang siyang magpapatuloy ng monthly mandatory contribution kung saan maibabalik naman sa unang tumira ang mga naihulog nito.

Pero paliwanag ng Manila LGU na kailangan munang sumangguni sa  lokal na pamahalaan ang aalis na dating umookupa kapag ililipat na ito sa iba dahil mahigpit umanong ipinagbabawal  sa mga benepisyaryo  na ibigay ito sa iba nang walang abiso sa pamahalaang lungsod.

Nakiusap naman ang alkalde sa mga benipisyaryo na panatilihing malinis ang kanilang bahay at ariin na kanila.

Ako ay naniniwala na ang pagtaas ng dignidad sa pagiging mahirap ay ang pagkakaroon ng sariling inyo, may sariling masisilungan kasama ang inyong mga anak. Baguhin natin sama-sama ang itsura ng Baseco,” ayon sa alkalde 

Tiniyak din ng alkalde na magkakaroon pa ng Basecommunity phase 2 na may planong makapagpatayo muli ng mahigit 300 karagdagang unit sa Baseco compound.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: