Mga pasaherong nakakumpleto na ng bakuna, ipapasalang sa 7 araw na quarantine pagdating sa Pilipinas — BI

KAKAILANGANIN lamang na magprisinta ng quarantine booking sa loob ng pitong araw pagdating ng Pilipinas ang mga pasaherong nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19 at galing sa 57 bansa at iba pang lugar na ikinukonsiderang low risk o mababa ang antas ng hawaan ng virus.

Inianunsyo ito ng Bureau of Immigration (BI) kasunod na rin ng pag-apruba ng Inter-Agency Task Force ng tinatawag nitong “green” countries at jurisdictions tulad ng Australia, Brunei, China, Hong Kong, Israel, New Zealand, Nigeria, Singapore, South Korea, Taiwan, Vietnam, at Zimbabwe.

Sa ilalim ng bagong protocol, ang mga biyaherong fully vaccinated o kumpleto na ang bakuna ay isasalang sa 7-day quarantine at kailangang maisailalim sa COVID-19 test sa ikalimang araw.

Kung magnegatibo sa RT-PCR test, kukumpletuhin na lamang ang 7-araw na quarantine pero kung magpositibo ay dapat na sundin ang isolation protocols.

Ang bagong panuntunan ay para lamang sa mga nabakunahan sa abroad na nananatili sa alinman sa 57 bansa o lugar na nasa listahan ng IATF sa loob ng nakalipas na 14 na araw bago sila magtungo ng Pilipinas gayundin sa mga nabakunahan sa Pilipinas kahit ano pa ang travel history.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.