Breaking News

Share this information:

MAY pag-aaral na rin umanong ginagawa ang mga eksperto patungkol sa posibilidad na maipagbawal muna ang mga biyahero mula sa Indonesia sa gitna na rin ng banta ng Delta variant ng COVID-19.

Sinabi iyan ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na aniya’y nag-uusap na ang technical advisory group ng mga eksperto hinggil sa usapin at batid naman aniya ng DOH na maraming bansa na ang may malaking antas ng hawaan ng Delta variant.

Una nang pinalawig ng Pilipinas ang temporary ban sa mga biyahero mula sa United Arab Emirates, India, Pakistan, Sri Lanka, Oman, Nepal, at Bangladesh dahil sa Delta variant.

Pero ayon sa health advocate na si Dr. Tony Leachon, dapat ay idamay na rin sa travel ban ang Indonesia dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases duon matapos na mapaulat na may na-detect na Delta variant.

Sa gitna nito, naniniwala si Duque na napakahalaga sa ngayon ang mahigpit na border control gayundin ang pagsunod sa quarantine protocol.

Aminado rin ang kalihim na malaking hamon ngayon ang pagpigil na makapasok na sa mga komunidad sa bansa ng mga bagong variant na nagdudulot ng mabilis na hawaan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: