Breaking News

Share this information:

ISINAILALIM na ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal kasunod ng naitalang pagsabog na nagbuga ng may isang kilometrong phreatomagmatic plume pasado alas-tres ngayong Huwebes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tumagal ng limang minuto ang pagsabog na nagsimula dakong alas-3:16 ng hapon ngunit walang naitalang pagyanig.

Sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum na ang Alert Level 3 ay nangangahulugan na mayroong “magmatic unrest” sa bulkan.

“‘Yung pagsabog po, short-lived lang naman siya, mga limang minuto pero maitim po ‘yung pinaka eruption column,” ani Solidum.

Ibig sabihin may laman bago yan pero hindi gano’n kataas, isang kilometro lang ang inabot,” dagdag nito.

Kasabay nito, inirekomenda ng Phivolcs ang paglilikas ng mga residente na nasa Taal Volcano Island at iba pang high-risk barangay sa mga bayan ng Agoncillo at Laurel dahil sa posibilidad na magkaroon ng pyroclastic density currents at volcanic tsunami.

The public is reminded that the entire Volcano Island is a Permanent Danger Zone, and entry into the island as well as high-risk barangays of Agoncillo and Laurel is prohibited,” ayon sa Phivolcs.

Sa kabila nito, tiniyak ni Solidum na patuloy ang kanilang pagbabantay kung titindi pa ang pamamaga ng bulkang Taal.

Sa aming pagbabantay, tinitignan namin kung titindi pa ang pamamaga niya. Hindi ganon ang ano, ang nakikita natin. Steady lang. So may kaonting pressure na naipon at ‘yun ang pagbuga,” ayon kay Solidum.

Tinatayang 13,000 tonelada ng asupre ang inilabas ng bulkan nitong Huwebes ng umaga hanggang hapon.

Nonetheless, kailangan natin pag-ingatan ang Taal. Kasi nagkakaroon na ng explosion. Pwede naman na talaga mangyari ito na after one year may sumunod na activity,” babala nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: