Nasabat ng BOC- Manila International Container Port’s (MICP) Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Enforcement and Security Service (ESS) ang smuggled na Chinese cigarettes at gamot sa serye ng operasyon sa Tambo, Paranaque City.
Bitbit ang Letters of Authority (LOA) na pirmado ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, ang grupo, sa koordinasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) at National Bureau of Investigation (NBI), ay ikinasa ang dalawang hiwalay na operasyon upang inspeksyunin ang dalawang storage facilities na nagresulta sa pagkakasabat sa Chinese cigarettes at mga gamot.
Nagkakahalaga ng P4 milyon ang nasabat sa unang operasyon habang P9 milyon naman sa pangalawang operasyon.

Ang mga gamot umano ay hinihinalang gagamitin bilang lunas sa Covid-19. .
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon upang mabatid ang mga responsable sa storage facility para sa pagsasampa ng kaso sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) .

