Gamot at yosi gawang China, nasabat ng Customs

Share this information:

Nasabat ng BOC- Manila International Container Port’s (MICP) Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Enforcement and Security Service (ESS) ang smuggled na Chinese cigarettes at gamot sa serye ng operasyon sa  Tambo, Paranaque City.

Bitbit ang  Letters of Authority (LOA) na pirmado ni  BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero,  ang grupo, sa koordinasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) at National Bureau of Investigation (NBI), ay ikinasa ang dalawang hiwalay na operasyon  upang inspeksyunin ang dalawang storage facilities  na nagresulta sa pagkakasabat sa  Chinese cigarettes at mga gamot.

Nagkakahalaga ng P4 milyon ang nasabat sa unang operasyon habang P9 milyon naman sa pangalawang operasyon.

Ang mga gamot umano ay hinihinalang gagamitin bilang lunas sa Covid-19. . 
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon upang mabatid ang mga responsable sa storage facility para sa pagsasampa ng kaso  sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) .

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

PDU30 says no to face-to-face classes

Mon Feb 22 , 2021
President Rodrigo Duterte stood firm on his decision to quell face-to-face classes, at least until August this year. In an announcement, presidential spokesperson Harry Roque said that the President has decided to rule out possibilities of physical classes despite calls for the government to seriously consider safe re-opening of in-class […]

Follow Us

%d bloggers like this: