St. John Paul II Shrine, pormal na binuksan sa Hermosa, Bataan

Share this information:

Isang pagpapala ang nakamit ng bayan ng Hermosa, Bataan matapos na pormal na buksan at ialay sa Diyos ang isang bago at magandang simbahan nitong Linggo kay St. Pope John Paul II na bumisita sa bayan ng Morong, 40 taon na ang nakakaraan.

Ayon kay Diocese of Balanga Bishop Ruperto Santos, matatagpuan ang St. John Paul II Diocesan Shrine sa tabi mismo ng Roman Highway sa Barangay Culis sa bayan ng Hermosa. 

Pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines na si Archbishop Charles John Brown ang Banal na Misa at consecration ng shrine.

Dumalo rin sa consecration sina Bataan Gov. Albert Garcia, 2nd District Rep. Jose Enrique “Joet” Garcia III, Dinalupihan Mayor Maria Angela Garcia, Orion Mayor Antonio Raymundo, at iba pang opisyal. 

Ang yumaong Santo Papa, kasama sila Pangulong Ferdinand Marcos, ay bumisita  noon sa Philippine Refugee Processing Center (PRPC) sa Morong, Bataan at nagdaos ng Banal na Misa noong ika-21 ng Pebrero, 1981 para sa libo-libong Indo-Chinese refugees na tumakas sa kanilang bansa at pansamantalang nanirahan sa PRPC.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Gamot at yosi gawang China, nasabat ng Customs

Mon Feb 22 , 2021
Nasabat ng BOC- Manila International Container Port’s (MICP) Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Enforcement and Security Service (ESS) ang smuggled na Chinese cigarettes at gamot sa serye ng operasyon sa  Tambo, Paranaque City. Bitbit ang  Letters of Authority (LOA) na pirmado ni  BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero,  ang […]

Follow Us

%d bloggers like this: