RIZAL–Dalawang tama ng baril ang inabot ng isang 37 anyos na negosyante matapos itong pagbabarilin kagabi ng isang di pa nakikilalang suspek
Nagpanggap umano ang suspek bilang isang kostumer sa Grand Villas General Merchandise, Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal.
Sa ulat ng pulisya, natukoy ang biktimang si Ronulfo Villas Jr. y Sarza, 37 anyos na residente ng Blk 6 Lot 11 Phase 1 Eastwood Greenview, Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal.
Pinagbabaril si Villas sa loob ng warehouse ng isang nagpanggap na kostumer sa Grand Villas General Merchandise bandang alas 9:10 ng gabi ng Miyerkules.
Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa batok ang biktima na kaagad na isinugod H-Ville Hospital sa Brgy. Manggahan upang gamutin.
Mabilis na tumakas naman papalayo ang di namukhaang suspek .
Sa ngayon ay nagpapagaling na ang biktima habang nagsasagawa naman ng Oplan COBWEB operation ang mga awtoridad.

