Ang Mount Makiling ay “inactive” na bulkan — PHIVOLCS

Share this information:

CALAMBA CITY, LAGUNA–Nagbigay ng pahayag ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) makaraang maiulat ang pagkatakot ng mga residente sa isang subdibisyon sa Los Banos Laguna ang paglalabas ng usok sa mga imburnal sa nasabing subdibisyon.

Sinabi ng Phivolcs na ang Mount Makiling ay isang inactive volcano kung kaya’t walang dapat  ikabahalang sasabog ito.

 Ayon sa kanilang  FB post  kaninang hapon, “Ang nakitang steaming ay mula sa hot springs katulad ng hot spring resorts na pinupuntahan sa Laguna. Ang hot springs ay normal na makikita sa mga bulkan.” 

Ito ay kahalintulad sa mga nakikita sa mga hotspring resorts sa Pansol, Calamba, Laguna.

Matatandaan na nagulantang ang mga residente ng Lakewood Subdivision sa Brgy. Tadlac Los Banos  nitong Huwebes ng umaga nang makitang umuusok ang ilang imburnal sa kanilang lugar kaya’t agad na binisita ni Mayor Tony Kalaw ang nasabing lugar.

Iniulat din kaagad ng lokal ng pamahalaan sa Phivolcs ang pangyayari upang malaman  kung ano ang dahilan ng pag-usok nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Negosyante, pinagbabaril ng kostumer

Thu Feb 11 , 2021
RIZAL–Dalawang tama ng baril ang inabot ng  isang 37 anyos na negosyante matapos itong pagbabarilin kagabi  ng isang di pa nakikilalang suspek Nagpanggap umano ang suspek bilang isang kostumer sa Grand Villas General Merchandise, Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal. Sa ulat ng pulisya, natukoy ang biktimang si Ronulfo Villas Jr. […]

Follow Us

%d bloggers like this: