Negosyante, pinagbabaril ng kostumer

Share this information:

RIZAL–Dalawang tama ng baril ang inabot ng  isang 37 anyos na negosyante matapos itong pagbabarilin kagabi  ng isang di pa nakikilalang suspek

Nagpanggap umano ang suspek bilang isang kostumer sa Grand Villas General Merchandise, Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal.

Sa ulat ng pulisya, natukoy ang biktimang si Ronulfo Villas Jr. y Sarza, 37 anyos na residente ng  Blk 6 Lot 11 Phase 1 Eastwood Greenview, Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal.

Pinagbabaril si Villas sa loob ng warehouse ng isang nagpanggap na kostumer sa Grand Villas General Merchandise bandang alas 9:10 ng gabi ng  Miyerkules.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa batok ang biktima na kaagad na isinugod H-Ville Hospital sa Brgy. Manggahan upang gamutin.

Mabilis na tumakas naman  papalayo ang  di namukhaang suspek .

Sa ngayon ay nagpapagaling na ang biktima habang nagsasagawa naman ng Oplan COBWEB operation ang mga awtoridad.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

PLDT, Smart press support for women's volleyball team

Thu Feb 11 , 2021
PLDT and wireless arm Smart Communications, Inc. are supporting the PLDT Home Fibr Hitters’ journey in the Premier Volleyball League (PVL) as they gear up for their first competition this coming April. The PLDT Home Fibr Hitters will field a stronger team this year with Rhea Dimaculangan, Isa Molde, Eli […]

Follow Us

%d bloggers like this: