Muling nakapagtala ng mataas na bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus disease ang Department of Health (DOH) ngayong araw.
Sa pinakahuling update ng DOH, nasa 2,178 ang naitalang bagong kaso ngayong araw, dahilan para maging 509,887 na ang kabuuang bilang ng kaso ng sakit sa bansa.
Nasa 32,031 naman ang aktibong mga kaso na hanggang ngayon ay patuloy pang nagpapagaling sa mga pasilidad.
Mayroon namang 250 bagong recoveries kaya umabot na sa 467,720 ang gumagaling sa sakit.
Nasa 20 naman ang mga pumanaw kung saan umabot na sa 10,136 ang kabuuang namamatay sa COVID-19 sa bansa.
Nanguna ngayon ang Quezon City na may naitalang kaso na nasa 148.
May 88 naman ang Bulacan, 80 sa Cebu City, 79 sa Davao City at 75 sa Mountain Province.
