Bagong kaso ng COVID-19, pumalo muli ng lampas 2k

Share this information:

Muling nakapagtala ng mataas na bilang  ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus disease ang Department of Health (DOH) ngayong araw.

Sa pinakahuling update ng DOH, nasa 2,178 ang naitalang bagong kaso ngayong araw, dahilan para maging 509,887 na ang kabuuang bilang ng kaso ng sakit sa bansa.

Nasa 32,031 naman ang aktibong mga kaso  na hanggang ngayon ay patuloy pang nagpapagaling sa mga pasilidad.

Mayroon namang 250 bagong recoveries  kaya umabot na sa 467,720  ang gumagaling sa sakit.

Nasa 20 naman ang mga pumanaw kung saan umabot na sa 10,136 ang kabuuang namamatay sa COVID-19 sa bansa.

Nanguna ngayon ang Quezon City na may naitalang kaso na nasa 148.

May 88 naman ang Bulacan, 80 sa Cebu City, 79 sa Davao City at 75 sa Mountain Province.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Mga diplomat, asawa't anak ng mga Pilipino, pwede nang pumasok sa bansa

Fri Jan 22 , 2021
PINAPAYAGAN na ng Bureau of Immigration (BI) ang mga diplomat, ang asawa at anak nn mga Pinoy, na pumasok sa bansa batay sa natanggap nilang  resolusyon mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF). Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na sa natanggap nilang resolusyon […]

Follow Us

%d bloggers like this: