Breaking News

Share this information:

NAGBUNGA ang mahigit na tatlong buwang pagsisikap ng pamahalaang lungsod ng Navotas nang makapagtala ito ng “zero” COVID-19 case sa isang araw nito lamang Lunes.

Ang maigting na pagsisikap na putulin ang local transmission chain sa lungsod ay nagbunga din ng mataas na rate of recoveries, o yung mga gumaling mula sa COVID-19. Nakapagtala ang lungsod ng 95.7 percent ng recoveries mula sa 10,353 na kabuuang kaso sa lungsod.

Ang lungsod ay itinuring bilang isang “high-risk area” simula ng Pebrero nitong taon.

Iniugnay ni Mayor Toby Tiangco ang pagbagsak ng mga kaso sa mahigpit na pagpapatupad sa mga ordinansa at patakaran, kabilang ang quarantine band system, mandatory swabbing sa mga nahuli na violators ng safety protocol, community quarantine guidelines at regulated socio-economic activities.

“The initiatives that we implemented to further combat the spread of the virus and lessen the probability of transmission have only been effective because it was done with the help and cooperation of all stakeholders in the community,” aniya.

The ongoing vaccination program also played a big part in our efforts to reduce the numbers of active cases. This is why we highly encourage those who are aged 18 and above to register and participate in the NavoBakuna COVID-19 vaccination program,” dagdag niya.

Ang Navotas ay may pitong vaccination sites na nagsilbi sa 2,898 na mga naka-iskedyul at walk-in vaccinees noong Mayo 24, 2021.

Ang mga miyembro ng pamilya ng mga frontliner sa ilalim ng A1 priority group at overseas Filipino workers na umalis sa bansa sa loob ng apat na buwan ay hinihikayat na pumunta sa walk-in vaccination sites ng lungsod.

Hanggang Mayo 28, 33,553 na mga residente ng lungsod at mga trabahador ang nakatanggap ng kanilang unang jabs. 9,443 individuals ang nakakumpleto na ng kanilang dalawang doses ng bakuna. Sa bilang na ito, 809 ay mga frontliners, 3,564 senior citizens, at 5,070 ang persons with comorbidities.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: