Walang hiling na dagdag kapasidad ng simbahan–VM Lacuna

Share this information:

Wala umanong napapag-uasapan kung may kahilingan ang  Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na dagdagan ang kapasidad ng mga simbahan  para sa  vaccination program ng pamahalaan.

Ayon kay Manila Vice Mayor  Honey Lacuna-Pangan sa ginanap na virtual forum ng Department of Heatlh (DOH), ang napag-uasapan lamang aniya ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa pangunguna ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kasama si Bishop Broderick Pabillo  ay ang iniaalok na mga simbahan at mga eskuwelahan na maaaring gawing vaccination sites.

Ito ay kasunod umano ng panawagan na dagdagan ang kapasidad sa simbahan .

Sinabi pa ni Lacuna-Pangan na  wala namang nabanggit si Bishop Pabillo sa kanila na humihiling sila na taasan o dagdagan ang kapasidad sa simbahan.

Ang 50-percent capacity  na ibinigay naman aniya sa kanila ay tolerable naman para sa vaccination program  dahil kaya naman aniyang  ipatupad ang mga health protocol.

Napag-usapan lamang na tutulong  ang simbahan kung saan bubuksan ang kanilang mga paaralan at simbahan para makatulong sa vaccination site para sa lungsod ng Maynila.

Sinabi naman ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na kailangan pa ring dumaan  sa IATF ang mga ganitong bagay.

Ayon kay Vergeire, kapag may nagre-request na mga sector para magkaroon ng kaunting kaluwagan sa itinalagang pamantayan ng IATF ay kailangan munang dumaan  sa proseso.

Kailangan lamang umanong magsumite ng request letter sa IATF upang matalakay ng mga opisyal. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Co-infection ng variant, bahagi ng biosurveillance

Fri Feb 5 , 2021
Bahagi umano ng biosurvellaince ang posible na co-infection ng  variant sa isang pasyente. Sinabi ni Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire na hindi lamang UK variant ang hinahanap dahil nakikita sa proseso ng genome sequencing  ang anumang uri ng variant na maaaring present sa genome ng isang indibidwal. […]

Follow Us

%d bloggers like this: