Co-infection ng variant, bahagi ng biosurveillance

Bahagi umano ng biosurvellaince ang posible na co-infection ng  variant sa isang pasyente.

Sinabi ni Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire na hindi lamang UK variant ang hinahanap dahil nakikita sa proseso ng genome sequencing  ang anumang uri ng variant na maaaring present sa genome ng isang indibidwal.

Paliwanag pa nito, hindi lamang isang variant ang makikita rito kundi maging iba pang variant gaya aniya ng sinasabi ng mga eksperto na ang isang virus ay maaaring magkaroon ng multiple varant na lumalabas sa kanyang genome sequence.

Gayunman hindi naman aniya lahat ng variant ay harmful o mapanganib.

“Ang ina-identify lang natin at ipinagbibigay alam sa ating mga authorities would be those (that) will merit public health action, yun significant na makakapag cause ng harm sa ating population.”

Sa ngayon wala pang ibang nakikita at pinag-aaralan na ang mga sinasabing puwede ang higit sa isang variant sa isang tao o genome.

“So that is part of our biosurvellaince,” pahayag ni Vergeire.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.