Wala pang Omicron sa Pilipinas — DOH

Share this information:

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na wala pa ring naitatalang kaso ng Omicron variant sa Pilipinas, base sa pinakahuling sequencing na isinagawa ng Philippine Genome Center (PGC) sa mga samples hanggang nitong Disyembre 6.

Batay ito sa pahayag ni DOH Spokesperson at Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa ginanap na virtual media forum ngayong Lunes.

Ayon kay Vergeire,  mula sa 19,305 samples na may lineage, pawang mga Delta, Alpha at Beta lamang ang natukoy ng PGC.

Mula sa mga dumating na biyahero noong Nobyembre 15 hanggang 29,  mayroong 253 na mga indibidwal na galing ng South Africa and minomonitor na ng DOH.

Sinabi ni Vergeire na ito ang mga bina-backtrace ngayon na mga indibidwal para makita kung sino sa kanila ang magpopositibo kapag nag-retest na puwedeng i-sequence.

Sa ngayon ay naka-quarantine na lahat ang mga na-locate, dagdag ni Vergeire.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.