Viral ngayon sa social media ang larawan nina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Ang larawan ay kuha nang magpulong umano ang dalawa sa Davao City nuong Biyernes, Oktubre 9, 2020.
Ayon sa source, nagpahayag umano ng suporta ang presidential daughter sa term sharing nina Velasco at speaker Alan Peter Cayetano.
Sinabi rin ni PDP Laban Executive Director Ron Munsayac, suportado ng partido kabilang ang kanilang chairman na si Pangulong Rodrigo Duterte at Mayor Sara ang term sharing nina Velasco at Cayetano.
Ang paninindigan aniya nila na simula’t-sapol ay “honor the agreement” o tuparin ang kasunduan.