Breaking News

Share this information:

PINANGUNAHAN ni Mayor Oscar Malapitan ang ground breaking ceremony ng kauna-unahang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) two-storey Multi-Purpose Evacuation Center sa Metro Manila na itatayo sa Phase 1 Barangay 171 sa lungsod.

Lubos na nagpasalamat si Mayor Oca sa pagpili ng PAGCOR sa lungsod para maging benepisyaryo nang kapaki-pakinabang at napapanahong proyekto na pinondohan ng P50 milyon ng PAGCOR.

“Mapalad po ang Lungsod ng Caloocan sapagkat tiyak na makatutulong ito sa ating Disaster Management and Rescue Operations na siyang magsisilbing ligtas na kanlungan ng ating mga mamamayan sa oras ng pangangailangan,” ani Mayor Oca.

Isa aniya ang Disaster Management and Rescue Operations sa kaniyang binibigyan prayoridad simula manungkulan bilang alkalde ng Caloocan, kabilang na riyan ang pagtatag ng 24/7 command center, pagpapatayo ng Rescue Building at pagbili ng mga kagamitan para sa rescue operations.

“Sa ngalan po ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, nagpapasalamat po kami sa PAGCOR sa pagpili sa aming lungsod bilang kauna-unahang siyudad sa NCR na pagtatayuan ng napakagandang proyektong ito. Asahan po ninyo na ito ay ating pahahalagahan at gagamitin para sa kapakanan ng mga taga-Caloocan,” dagdag ni Malapitan.

Kasama rin dumalo sa groundbreaking ceremony sina Cong. Along Malapitan, PAGCOR Chairperson and CEO Andrea Domingo, PAGCOR Assistant VP for Community Relations Services Ramon Villaflor, PAGCOR Special Projects Division Senior Manager Maria Eliza Cruz, Caloocan City Administrator Engr. Oliver Hernandez, City Disaster Risk Reduction and Management Office head Dr. James Lao, at City Planning Officer.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: