Breaking News

Share this information:

KARAGDAGAN pang apat na Delta  (B.1.617.2) variant cases, 14 Alpha (B.1.1.7) variant cases, 21 Beta (B.1.351) variant cases, at 1 Theta (P.3) variant case ang natukoy base sa pinakahuling whole-genome sequencing ng Philippine Genome Center.

DELTA VARIANT CASE:

Tatlo sa apat na karagdagang Delta variant case ay  Returning Overseas Filipinos (ROF) mula MV Eastern Hope, ang barko na kasalukuyang naka-dock sa South Korea.

Ayon sa DOH, nang matukoy na  PCR-positive ang  Filipino crew sa South Korea, sila ay pinauwi ng Pilipinas noong June 3, 2021. 

Dalawa ang nakakumpleto ng 10-day isolation matapos dumating sa bansa at nakalabas nang  mabigyan ng  certification of recovery, habang ang isa at na-admit sa isang ospital s a Metro Manila.

Samantala, ang ika apat na kaso ay isang ROF na dumating  mula  Saudi Arabia noong  May 24, 2021. 

Nakakumpleto rin ng mandatory isolation at ngayon at patuloy na minomonitor ng kanilang LGU.

Sa kabuuan meron nang 17 na kaso ng Delta

 ALPHA VARIANT CASES:

Sa karagdagang 14 Alpha  variant cases  na natukoy, 12 ang local cases habang dalawa ang  biniberipika kung ROF na kaso.

Base sa case line list , dalawang kaso ang namatay at 12 kaso ang na-tag bilang recovered.

Sa ngayon, ang Alpha variant cases ay nasa kabuuan nang  1,085.

BETA VARIANT CASES:

Mula naman sa karagdagang   21 Beta variant cases na natukoy, , 20 ang  local cases habang isa ang bijiberipika pa kung local o ROF case.

Base sa  case line list, 20 kaso amg na-tag bilang recovered at isang kaso ang kasalukuyang aktibo.

Ang Beta variant cases ngayon ay umabot na sa   1,267.

THETA VARIANT CASES:

Sa karagdagan namang theta variant case , kasalukuyan pang biniberipika kung local o ROF   case. Ang nasabing kaso ay kasalukuyan nang na-tag bilang recovered. 

Ayon sa DOH, sa ngayon ang Theta variant ay hindi kilala bilang isang variant of concern  (VOC) dahil mas maraming data ang kinakailangan upang masabi na ang variant ay  magkakaroon ng makabuluhang implikasyon sa kalusugan ng publiko.

Tiniyak naman ng DOH, UP-PGC, at UP-NIH sa publiko na ang biosurveillance activities para sa pagtukoy ng   COVID-19 variants ay patuloy sa gitna ng pagtaas ng kaso sa Visayas at Mindanao.

“The procurement of reagents for whole genome sequencing for the rest of the year was initiated by a grant of Php 180 million by the DOH to the UP-PGC last May 2021,” ayon pa sa DOH.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: