Breaking News

Share this information:

UPANG maengganyo ang publiko at hindi matakot na magpabakuna kontra COVID-19 ay inilunsad ang “turok for crispy turon” sa isang mall sa Quezon City.

Batay sa impormasyon na nakalap mula sa management ng mall, ito umano ang kanilang nakikitang paraan para magpabakuna ang publiko na nagdadalawang-isip na maturukan ng gamot na panlaban sa virus.

Samantala, ilang restoran at retailer ang nakatakdang magbigay ng discount at incentives sa lahat ng mga nabakunahan na simula Hunyo 1.

Subalit hindi ito maaaring ipagsabay sa ibang discount gaya ng senior citizen at Persons with Disability o PWD.

We need to verify as well whether that document is fake or not, we hope the public will be responsible,” pahayag ni Eric Teng, presidente ng Resto.PH

Kahit bugbog na rin ang mga negosyo dahil sa pandemya, sulit din daw na magbigay ng diskuwento para lang gumala at kumain sa labas ang mga tao lalo na ang mga nabakunahan na. 

Sa discount, kakailanganing mag-dine in ang customer para makuha ang diskuwento. 

May ilan ding mga retailer gaya ng mga department store, hardware, pharmacy, shoe store at iba pa ang mamimigay ng discount o freebies. 

Pero voluntary naman ito, at kani-kaniya silang diskarte para makatulong para mas dumami ang magpapabakuna. 

Two-pronged naman ito, incentives sa customer then encouraging vaccination, mapa-patronize na ang stores nila, makakatulong pa sila sa gobyerno,” saad naman ito ng Pangulo ng Philippine Retailers Association na si Rosemarie Ong.

Kapwa naniniwala sina Teng at Ong na sa ganitong uri ng panghihikayat sa publiko para magpabakuna kontra COVID-19 ay mapapadali ang pagsiglang muli sa mga negosyo sa buong bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: