Breaking News

Share this information:

TULUYAN ng nadakip ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (QCPD-CIDU) ang tatlong lalaki na sinasabing nasa likod ng panghahalay at brutal na pagpaslang sa isang 21 anyos na “transgenderman” kamakailan.

Batay sa inisyal na impormasyon kay QCPD Director Police Brig. General Antonio Yarra, unang inimbitahan nitong gabi ng Biyernes (May 21, 2021) sa tanggapan ng CIDU si Zander Dela Cruz na umanoy kababata ng biktima na si Norriebi Tria alyas “Ebang Mayor”, residente ng Barangay Batasan Hills.


Sa proseso ng imbestigasyon ay dito na inamin ni Dela Cruz sa mga imbestigador at maging sa ama ng biktima na kasama siya ng iba pang suspek na sina Richard Elvin Alyas Tiago at Joel Loyola alyas Nonoy ang magkasabwat para gahasain at patayin ang biktima at tangayin pa ang mahahalagang gamit nito.

Sa imbestigasyon ng pulisya, tatlong araw ng nawawala si Tria bago natagpuan ang kanyang bangkay na hubot hubad sa isang bakanteng lote sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City nitong araw ng Biyernes, May 21, 2021.

Bago ang nangyaring krimen, nagpaalam umano ang biktima sa kanyang kaanak na makikipag-inuman ito sa mga kaibigan at simula noon ay hindi na ito nakabalik pa hanggang madiskubre na lamang ang labi nito.

Si Dela Cruz din umano ang huling nakasama ng biktima.

Napag-alaman sa report ng SOCO na basag ang ulo at mukha ng biktima habang may nakapasok na kahoy sa maselang ari nito.

Patong patong na kaso ang kakaharapin ng tatlong suspek na ngayon ay nakaditine sa CIDU detention facility sa Camp Caringal.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: