Breaking News

Share this information:

TATLONG wanted, kabilang ang dalawang babae, ang arestado sa magkakahiwalay na joint operation ng pulisya sa mga lungsod ng Malabon at Caloocan.

Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-10:10 ng gabi nang magsagawa ng joint manhunt operation kontra wanted person ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PSMSgt. Addrich Reagan sa ilalim ng pangangasiwa ni PCMSgt. Gilbert Bansel, kasama ang Northern Police District-District Special Operations Unit (NPD-DSOU) at 4th Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion-National Capital Region Police Office (MFC, RMFB-NCRPO) sa Langaray St., Brgy. Longos.

Inaresto sa operation si Raymond Cerbito, 23 anyos, ng Blk 9, Lot 18, Phase 2, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Ma. Antonia Linsangan Largoza-Cantero, Presiding Judge ng RTC Branch 291, Malabon City para sa kasong Murder na may petsang March 17, 2021.

Dakong alas-10 naman ng gabi nang maaresto din ng mga operatiba ng WSS sa pangunguna ni PSMSgt. Joey Sia, kasama ang 4th MFC, RMFB-NCRPO sa Polytech St., University Hills Subd., Brgy. Potrero, Malabon City si Cynance Boyence, 49 anyos, may-asawa, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Ma. Lynna Pacamalan Adviento, Presiding Judge ng RTC Seventh Judicial Region, Branch 58, Cebu City para sa kasong Grave Threats na may petsang June 9, 2021.

Samantala, timbog din sa mga operatiba ng WSS sa pangunguna ni PSMSgt. Armando Isidro Jr., sa Blk 50, Lot 80, Phase 2, Area 3, Kaunlaran Village, Brgy. 20, Caloocan City si Bernaditha Cahilig, 73 anyos, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Ma. Ofelia Salgado Contreras-Soriano, Presiding Judge, Metropolitan Trial Court, Branch 55, Malabon City para sa kasong Estafa na may petsang June 11, 2021.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: