Breaking News

Share this information:

ISA ang nasawi habang umabot naman sa 169 pamilya ang nawalan ng tahanan matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Navotas City Biyernes ng umaga.

Base sa ulat ng Navotas City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-7:30 ng umaga nang biglang sumiklab ang apoy sa isang residentential area sa Brgy. San Rafael Village (SRV).

Mabilis na kumalat ang apoy sa magkakadikit na mga kabahayan na pawang gawa sa light materials kaya’t agad itinaas ng BFP sa ikalawang alarma ang sunog na idineklarang fire out dakong alas-9 ng umaga.

Ayon sa BFP, isa ang napaulat na namatay na kinilalang si Madel Santos, 50 anyos, habang 169 pamilya naman ang nawalan ng tirahan matapos tupukin ng apoy ang 70 kabahayan.

Ipinag-utos naman ni Mayor Toby Tiangco sa City Social Welfare Office ang agarang pagbibigay ng mainit na pagkain, mga kumot, banig at iba pang mahahalagang gamit ng apektadong mga pamilya na pansamantalang nanunuluyan sa SRV Elementary School.

Patuloy ang imbestigasyon ng BFP upang matukoy ang pinagmulan ng sunog at inaalam pa kung magkano ang halaga ng naging pinsala nito sa mga ari-arian.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: