Breaking News

Share this information:

KARAGDAGAN pang apat na Delta  (B.1.617.2) variant cases, 14 Alpha (B.1.1.7) variant cases, 21 Beta (B.1.351) variant cases, at 1 Theta (P.3) variant case ang natukoy base sa pinakahuling whole-genome sequencing ng Philippine Genome Center (PGC).

DELTA VARIANT CASE

Tatlo sa apat na karagdagang Delta variant case ay Returning Overseas Filipinos (ROF) mula MV Eastern Hope, ang barko na kasalukuyang naka-dock sa South Korea.

Ayon sa Department of Health (DOH), nang matukoy na  PCR-positive ang Filipino crew sa South Korea, sila ay pinauwi ng Pilipinas noong June 3, 2021.

Dalawa ang nakakumpleto ng 10-day isolation matapos dumating sa bansa at nakalabas nang mabigyan ng  certification of recovery, habang ang isa ay na-admit sa isang ospital sa Metro Manila.

Samantala, ang ika-apat na kaso ay isang ROF na dumating mula Saudi Arabia noong May 24, 2021. Nakakumpleto rin ng mandatory isolation at ngayon at patuloy na minomonitor ng kanilang LGU.

Sa kabuuan meron nang 17 na kaso ng Delta.

ALPHA VARIANT CASES

Sa karagdagang 14 Alpha variant cases na natukoy, 12 ang local cases habang dalawa ang  bineberipika kung ROF na kaso.

Base sa case line list, dalawang kaso ang namatay at 12 kaso ang na-tag bilang recovered.

Sa ngayon, ang Alpha variant cases ay nasa kabuuan nang 1,085.

BETA VARIANT CASES

Mula naman sa karagdagang  21 Beta variant cases na natukoy, 20 ang local cases habang isa ang bineberipika pa kung local o ROF case.

Base sa case line list, 20 kaso ang na-tag bilang recovered at isang kaso ang kasalukuyang aktibo.

Ang Beta variant cases ngayon ay umabot na sa 1,267.

THETA VARIANT CASES

Sa karagdagan namang  Theta variant case, kasalukuyan pang bineberipika kung local o ROF case. Ang nasabing kaso ay kasalukuyan nang na-tag bilang recovered. 

Ayon sa DOH, sa ngayon ang Theta variant ay hindi nakilala bilang isang variant of concern (VOC) dahil mas maraming data ang kinakailangan upang masabi na ang variant ay  magkakaroon ng makabuluhang implikasyon sa kalusugan ng publiko.

Tiniyak naman ng DOH, University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC), at University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH) sa publiko na ang biosurveillance activities para sa pagtukoy ng   COVID-19 variants ay patuloy sa gitna ng pagtaas ng kaso sa Visayas at Mindanao.

The procurement of reagents for whole genome sequencing for the rest of the year was initiated by a grant of P180 million by the DOH to the UP-PGC last May 2021,” ayon pa sa DOH.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: