Breaking News

Share this information:

HINDI umubra sa nga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang tangkang pagpuslit ng ilegal na droga ang isang American at Korean national sa loob ng BI Detention Center sa Bicutan, Taguig City.

Kinilala ni BI Warden Facility Officer-in-Charge Adelfo Marasigan ang mga suspek na si Robert Wayne Boling, Jr., 41 anyos,  at Kwon Hyeok Soo, 41 anyos, na tinangkang magpuslit ng 2 sachet ng shabu na tumitimbang ng halos 7 gramo.

The narcotic substance was found hidden inside a Korean stew that was delivered for Boling,” ayon kay Marasigan.

Matatandaan na nito lamang Setyembre 21, tinangka rin ni Yang Heejun, isang Korean national na magpuslit ng apat na gramo ng shabu na nakabalot sa isang plastic na inilagay sa isang kimchi container.

Ayon kay Marasigan, nagsimulang magduda ang mga ahente ng BI nang napansin  nila na pareho ang food delivery ni Boling sa ginamit ni Yang.

Pero ikinanta ni Boling na ang talagang may-ari ng nasabing food delivery ay si Kwon.

Ang dalawa ay inaaresto at kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Idinagdag din ni Marasigan na ang Custodial Center ay sarado habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa kaso

This is our officers’ second drug apprehension in three weeks,” ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco. “And although it is highly commendable, we assure the public that the bureau will not allow these foreigners to use our detention facility as a center for their illegal drug trade,” dagdag pa nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.