DOJ chief Remulla, hindi makikialam sa kaso ng anak

Share this information:

PINANININDIGAN ni Department of Justice (DOJ) Sec. Jesus Crispin Remulla na hindi ito makikialam sa kaso ng anak.

Binalaan din nito ang kaanak na abogado na kinuha ng pamilya Remulla para kumatawan kay Juanito Jose Remulla III na huwag umapela sa DOJ tungkol sa illegal drug case na kinakaharap nito.

Iginiit pa ng DOJ chief na hindi siya manghihimasok sa kaso ng 38-anyos niyang anak. 

Sa press conference sinabi ni Remulla na hindi pa sila nagkakausap ng kaniyang anak. 

I haven’t talked to him since the beginning. I have stayed away from his case. I have not asked anybody any favor,” ayon sa kalihim.

Tiniyak din ng kalihim ng DOJ na walang kaugnayan sa DOJ ang abogado ng kaniyang anak.

Ipinayo din ni Remulla sa abogado na huwag maghahain sa kaniyang tanggapan ng petition for review sa kaso ng kaniyang anak. 

Sa ilalim ng rules, anumang pasya na ipinalalabas ng city at provincial prosecutors ay maaaring iakyat o kuwestyunin sa tanggapan ng Justice Secretary sa pamamagitan ng petition for review.

Face it in court. Don’t let it reach me,” ani Sec. Remulla.

Sa isang online interview, sinabi nito na subok na siya sa mga ganitong uri ng problema bilang matagal nang pulitiko at anak din ng pulitiko. 

Siguro I was built for this job as I have encountered so many problems as a professional, politician, and son of a politician and I cannot summon others but me. Matatapos din yan bigyan na lamang ng panahon at tamang oras,” ayon sa kalihim.

Ilang ulit din nitong iginiit na anuman ang kalabasan ng kaso ay hindi siya makikialam o manghihimasok.

Mananatili lamang umano siyang naka-focus sa kaniyang trabaho bilang justice secretary.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.