INULAN ng kilos-protesta ang tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Intramuros, Maynila mula sa mga manggagawa na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Kasama sa nagkilos protesta ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) at Solidarity of Unions in the Philippines for Empowerment and Reform (SUPER) Federation.
Panawagan ng grupo tulungan ang katulad nilang mangggagawa kasabay ng pagbibigay ng protection at dagdag na trabaho.
Ang kanilang panawagan ay matapos na magpatupad umano ng mass-layoff ang ilang kumpanya at pagbabawas ng sweldo at benepisyo kasabay ng pagbubuwag ng union at ayaw magkaroon ng negosasyon.
Iginigiit ng bawat grupo na ginagamit ng mga kumpanya ang sitwasyon ng pandemya para gawin ang mga nais nila sa mga manggagawa.
Partikular na naapektuhan ang mga contractual workers na hindi na nabigyan pa ng pagkakataon na maging regular.
Nais nila na itigal na ang pagtatanggal sa mga trabahador at pagpapatuloy ng pagbibigay ng ayuda sa gitna ng nararanasang pandemya.

