SARADO ang punong tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros, Manila ngayon (Lunes) at bukas (Martes) upang bigyang daan ang pagdi-disinfect sa buong gusali kasunod ng biglaang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Sa kanilang advisory, sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na ang lahat ng transaksiyon sa kanilang tanggapan ay pansamantalang suspendido sa loob ng dalawang araw kung saan ipinag-utos nito ang “thorough sanitation and disinfection.”
Sinabihan din ang lahat ng mga opsiyal at mga empleyado na manatili sa kanilang bahay, bagama’t isang skeletal force ng kanilang mga personnel partikular sa mga nagtatrabaho sa support services at kanilang security ang binuo.
Dagdag pa ni Morente na maaari silang pumunta sa kanilang mga tanggapan sa iba’t-ibang lugar sa Merto Manila kabilang ang BI SM North Satellite Office at BI SM Aura Satellite Office at iba pa.
Sa mga may online appointment nitong Lunes at Martes ay maaari nilang ipa-rescedule ang kanilang appointment kapag nagbukas na ang kanilang tanggapan sa Miyerkules o i-check sa kanilang website sa http://www.immigration.gov.ph at mga social media account para sa iba pang anunsiyo at advisory.