Symbolic vaccination ng Sinovac, isasagawa bukas sa mga ospital sa NCR — DOH

Share this information:

Bago simulan ang roll out ng bakuna kontra COVID-19 ay magkakaroon muna ng  symbolic vaccination  ng CoronaVac vaccines  ng  Sinovac Life  Science Co., Ltd. sa iba’t-ibang  ospital sa National Capital Region (NCR) bukas, March 1.

Sa inilabas na media advisory ng Department of Health (DOH) bukas ng alas 9 ng umaga ay magkakaroon muna ng press conference sa Philippine General Hospital (PGH).

Inaasahan namang dadalo sa PGH sina Sec. Carlito Galvez, Sec. Harry Roque, Food and Drug Administration (FDA) Director General Rolando Enrique Domingo, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair Benhur Abalos, Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at DOH Assistant Regional Director Maria Paz Corrales.

Magkakaroon din ng  programa sa PGH bago tumulak ang mga opisyal ng gobyerno sa iba’t-ibang vaccination sites sa Metro Manila.

Ayon sa DOH, sa darating na mga araw  ang roll out ng bakuna ay  gagawin din sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Alas 9:30 ng umaga  ay magsasagawa rin ng symbolic vaccination sa ilang mga ospital kabilang ang Lung Center of the Philippines, Veterans Memorial Medical Center, Dr. Jose N. Rodriquez Memorial Hospital and Sanitarium at Philippine National Police General Hospital.

Sa Lung Center inaasahang darating sina Sec. Francisco Duque III, MMDA GM Jojo Garcia, Quezon City Mayor Joy Belmonte at DOH Regional Director Corazon Flores.

Sa Dr. Jose N. Rodriquez Memorial Medical Center and Sanitarium naman ay sina Sec. Vince Dizon, Caloocan Mayor Oscar Malapitan, MMDA Chief of Staff Michael Salalima at DOH Asec. Elmer Punzalan.

Dadalo naman sina  Sec. Delfin Lorenzana, Quezon City Mayor Joy Belmonte  at DOH Dir. Napoleon Arevalo sa Veterans Memorial Medical Center.

Sa PNP Gneeral Hospital naman ay sina DILG Sec Bernardo Florence, PNP Director General Gen. Debold Sinas, DOH Dir. Aleli Annie Grace Sudiacal at kasama  pa rin ang alkalde ng QC.

Sa Victoriano Luna Medical Center naman ay sina Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Cirilito Sobejana, Surgeon General Nelson Pecache, DOH Regional Director Corazon Flores at Mayor Belmonte.

Ang vaccines mula sa Sinovac ay dumating ngayong hapon kung saan nagkaraoon ng arrival ceremony sa Villamor Airbase.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

BOC, hihigpitan pa ang pagbabantay sa pork at agri-products

Sun Feb 28 , 2021
Lalo pang hihigpitan ng Bureau of Customs (BOC) ang pagbabantay laban sa mga posibleng misdeclaration at misclassification  ng importasyon ng produktong karne ng baboy. Ito ay alinsunod na rin sa direktiba ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez, habang ang bansa ay nakikipagtulungan upang mapanatili ang suplay ng baboy sa […]

Follow Us

%d bloggers like this: