BOC, hihigpitan pa ang pagbabantay sa pork at agri-products

Share this information:

Lalo pang hihigpitan ng Bureau of Customs (BOC) ang pagbabantay laban sa mga posibleng misdeclaration at misclassification  ng importasyon ng produktong karne ng baboy.

Ito ay alinsunod na rin sa direktiba ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez, habang ang bansa ay nakikipagtulungan upang mapanatili ang suplay ng baboy sa merkado.

Matatandaan na inatasan ng BOC ang lahat ng ports na magsumite ng kanilang daily reports ng importation ng karne at poultry products upang ma-review at mamonitor ang mga shipment na maaaring lumabag sa batas, alintuntunin at regulasyon ng ahensya.

Bukod dito, ipinapatupad din ang mandatory x-ray inspection ng lahat ng reefer containers bago ilipat mula sa pantalan sa mga accredited cold storage facility ng Department of Agriculture (DA).

Ang pagpapatupad ng Electronic Tracking of Containerized Cargoes (ETRACC) ay nagbibigay daan sa BOC na mabisang pigilan at makita ang ilang mga pagtatangkang pagpuslit ng mga mapagsamantalang importer upang maiwasan ang inspeksyon ng mga opisyal ng DA.

Tinitiyak ng ETRACC na ang mga reefer products ay masusing susuriin ng mga opisyal  ng DA bago ilabas para sa pangangailangan.

Bukod dito, ang akreditasyon ng mga importer at customs broker ay binawi at ang mga kasong kriminal ay isinampa sa  Department of Justice laban sa mga unscrupulous stakeholders para sa umano’y pagpuslit ng mga produktong karne at produktong agrikultura.

Isinasagawa din ang mga administratibong pagsisiyasat laban sa mga opisyal at tauhan ng BOC na sangkot umano sa iligal at irregular na mga aktibidad.

“The Bureau of Customs is continuously coordinating with the officials of the Department of Agriculture at the national and regional levels to ensure border security and protection against unscrupulous importers of pork and other agricultural products.” ayon sa bureau.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

AstraZeneca vaccine delivery stalled

Sun Feb 28 , 2021
PRIORITY sectors under the government’s vaccine rollout plan are left with no other option but to take the low-efficacy China-made COVID-19 vaccines developed by Sinovac as the much-anticipated delivery of the AstraZeneca jabs from Europe won’t take place — not until after one week. In an announcement aired over the […]

Follow Us

%d bloggers like this: