Pansamantalang makakaranas ng mahinang pressure o kawalan ng supply ng tubig ang ilang bahagi ng Las Piñas, Muntinlupa at ilang bahagi ng Bacoor City at Imus sa Cavite simula ngayong gabi, Oktubre 13 na magtatagal ng hanggang Oktubre 15.
Sa ipinalabas na abiso ng Maynilad, magkakaroon ng maintenance activities sa water treatment plant sa ilang bahagi ng Muntinlupa City at sa pumping station nito sa Las Piñas City.
Layon ng maintenance activities ay upang mapabuti ang serbisyo nito sa mga kustomer.
Ayon sa Maynilad, bagama’t may mga water tankers para mag-deliver ng tubig sa mga lugar na maapektuhan na water interruption.
Kinakailangan pa din na mag-ipon ng tubig na sasapat sa kanilang pangangailan na tatagal hanggang Oktubre 15.