Siyam na lugar sa bansa, may Red Tide

Share this information:

NAGBABALA ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pagkonsumo ng ilan sa mga lamang-dagat mula sa siyam na lugar sa bansa dahil sa nakumpirmang positibo sa red tide.

Tinukoy ng BFAR ang mga coastal water ng Milagros sa Masbate; Sapian Bay (Ivisan at Sapian) sa Capiz; mga baybayin ng Roxas City, Panay, President Roxas, at Pilar na pawang nasa Capiz; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Partikular na pinagbabawalan muna ang publiko na magkonsumo ng shellfish na nagpositibo sa paralytic shellfish poison (PSP) o ang toxic red tide ay higit na sa regulatory limit.

All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the areas shown above are not safe for human consumption,” ayon sa BFAR.

However, fish, squids, shrimps, and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking,” dagdag na abiso ng BFAR.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.