Davao Occidental, niyanig ng Magnitude 5.1 na lindol

Share this information:

NIYANIG ng magnitude 5.1 na lindol ang munisipyo ng Sarangani, Davao Occidental, Sabado ng hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol dakong alas-3:42 ng hapon na may lalim na 93-kilometro.

Natunton din ang episentro ng lindol sa layong 191 kilometro ng silangan ng Balut Island.

Wala namang naitalang pinsala sa pagyanig bagamat inasahan na ng Phivolcs na makapagtatala ng aftershocks.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.