Breaking News

Share this information:

HINDI makaporma sa aktuwal na sabong, lumipat sa online ang siyam na katao pero nabisto ng mga awtoridad na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto  sa isinagawang operasyon sa mismong terminal ng sasakyan sa Indang, Cavite Huwebes ng hapon.

Kinilala ang mga naaresto na sina Jerrylan Basas, 36 anyos, Operator;  Bayani Bago, 55 anyos;  David Jimenez, 59 anyos; Romeo Rodriguez, 63 anyos; Andy Estores, 40 anyos; Leopoldo Masaga, 60 anyos; Michael Hermoso, 35 anyos; Joel Pelle,  37 anyos; at Rey Binondo y Paje, 32 anyos.

Sa ulat ni PSMSgt Marvin Camerino ng Indang Police Station, dakong alas-2:50 kamakalawa ng hapon nang nagsagawa ng anti-illegal gambling operation ang mga operatiba ng Indang MPS matapos na makatanggap ng tawag na isang online sabong ang isinasagawa sa terminal ng saksakyan sa Indang-Tagaytay sa Poblacion 1, Indang, Cavite.

Pagadating sa lugar, naaktuhan ang mga suspek na nagpupustahan sa sabong gamit ang online na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Narekober sa lugar ang isang cellular phone, isang TV at tinatayang P1,050 na pusta.

Ang mga naaresto sy sinampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 (Other forms of gambling / Online Sabong).

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: