Breaking News

Share this information:

TINUTUGIS  ngayon ng Cavite police ang isang Chinese national matapos na ireklamo ng kanyang kasambahay dahil sa umano’y ilegal siyang ikinulong sa Bacoor City, Cavite Huwebes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si alias Jason, POGO Assistant Manager at kasalukuyang nanunuluyan sa  Shuangma Industrial Park Building A Room 518, Molino Boulevard Brgy. Niog 3 Bacoor City dahil sa reklamo ni Michelle Sapa. 27 anyos.

Sa reklamo ni Michelle kay PSSgt Francis Mark Cortez ng Bacoor City Police Station, dakong alas-9:21 kamakalawa ng gabi nang tawagan siya ng kanyang employer na si alias Zebra na umano’y tinanggal na siya sa kanyang trabaho bilang housekeeper sa kanilang bahay sa Shuagma Industrial Park Building, Room 507 sa Molino Boulevard, Brgy Nig 3, Bacoor City, Cavite.

Dahil dito, bumalik siya sa bahay ng kanyang amo upang kunin ang kanyang mga gamit subalit pagdating sa lugar ay ikinulong siya diumano ni alias Jason sa Room 507.

Nagawa lamang nitong makatakas matapos na makahingi ng saklolo at ipaalam sa pulisya ang nangyari sa kanya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: