Breaking News

Share this information:

WALANG nakikitang isyu ang Department of Health (DOH) kaugnay sa pagpapabakuna ng dalawang opisyal ng gobyerno sa ibang lugar.

Inihayag ito ni DOH Usec Maria Rosario Vergeire kasunod ng mga katanungan tungkol sa pagpapabakuna nina dating Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at dating  Camarines Sur Representative Rolando Andaya Jr.  sa Davao City sa kanilang pagbisita kay Mayor Sara Duterte.

Paliwanag ni Vergeire, kailangan ding makapagpatupad ng portability para makapagpabakuna kung ang isang tao ay pupunta sa isang lugar o di kaya ay doon nanatili.

 “It depends on the circumstances. We are not so much very strict sa geographic limitations. Ang sa atin lang, ‘yung prioritization framework ay ipatupad natin,” sabi pa ni Vergeire.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: