Shipment ng shabu, timbog sa BOC sa Port of Clark

NATUKLASAN ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark ang humigit-kumulang P5.7-milyong halaga ng Methamphetamine Hydrochloride, karaniwang kilala bilang shabu, sa isang shipment na idineklara bilang “damit.”

Dumating ang kargamento noong Pebrero 14 mula Harare, Zimbabwe at ito ay dumaan sa K9 sniffing at x-ray scanning procedures. 

Sa physical examination ng kargamento, natuklasan ang 838.6825 gramo ng white crystalline substances sa loob ng 255 dress buttons at side walls ng carton box.

Dinala na sa Philippine Drug Enforcement Agency ang nasabing kargamento kung saan nalaman na positibo sa ilegal na droga.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.