Sarangani, dalawang beses niyanig ng malakas na lindol

DALAWANG malakas na lindol ang naranasan sa loob lamang ng isang araw sa Sarangani, Davao Occidental ngayong araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), dakong alas-3:18 ng hapon nang maitala ang magnitude 5.9 na lindol sa layong 207 kilometro ng Sarangani.

May lalim na sampung kilometro ang lindol na tectonic ang pinagmulan.

Nauna rito, naitala ang magnitude 5.5 na lindol sa layong 268 kilometro ng Sarangani dakong alas-11:41 ng umaga.

May lalim na 14 na kilometro ang pagyanig. Hindi na inaasahan ng Phivolcs na makapagdudulot ng pinsala ang malalakas na pagyanig.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.