Dating House Speaker Arnulfo Fuentebella, pumanaw na

KINUMPIRMA ni Camarines Sur 4th District Rep. Arnie Fuentebella ang pagkamatay ng kanyang ama na si dating Speaker Arnulfo “Noli” P. Fuentebella sa edad na 74, Miyerkules ng umaga.

Ayon sa kongresita, heart failure o bumigay na ang puso ng dating kongresista sa gitna ng halos dalawang taong pakikipaglaban nito sa kanyang sakit sa kidney.

“With deep sorrow, we would like to inform our family and friends that Former Speaker Arnulfo “Noli” P. Fuentebella has passed away this morning, September 9, 2020. He succumbed to Heart Failure after battling kidney disease for almost two years,” ani Fuentebella.

“Your prayers for his final journey back Home will be fondly appreciated. REST IN PEACE, Dad,” dagdag nito.

Nasa Maynila ngayon ang mga labi ni Fuentebella at nakatakdang dalhin sa Camarines Sur ngunit hindi pa naisasapinal ang detalye ng paglilibing.

Nuong Nobyembre 2000 nailuklok si Fuentebella bilang House Speaker makaraang itulak ng mga kaalyado ni dating Pangulong Joseph Estrada na bakantehin ang mga posisyon dahil sa transmittal sa Senado ng articles of impeachment laban sa punong ehekutibo ni dating Speaker Manny Villar.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.