8 foreign terrorists, nagtatago sa Pinas-AFP

Share this information:

Nasa may walong foreign terrorists ang umanoy nasa bansa ngayon at nagtatago habang nasa 29 na iba pang indibidwal na may kaugnayan sa ilang extremist groups sa Mindanao  ang patuloy na binabantayan ng militar at pulisya.

Ito ang naging pagbubunyag ni AFP Chief of Staff Lt. General Gilbert Gapay sa briefing ng mababang kapulungan ng kongreso kaugnay ng budget allocation sa Department of National Defense (DND) na kung saan ay sinasabing mas lumawak pa ang banta ng terorismo sa Pilipinas.

“We have identified eight terrorists hiding in our country and integrated into the local terrorist group factions, particularly Abu Sayyaf,” pahayag ni Gapay sa pagtanong ni Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman.

There are 29 on our watch list and we’re still verifying that information—that’s the number of foreign terrorists we’re monitoring,” dagdag pa ni Gapay.

Giit ng heneral na kayat nakakatapak sa lupa ng Pilipinas ang mga foreign terrorists ay dahil na rin sa nagagawang makapasok ng mga ito sa pamamagitan ng “backdoor” mula sa mga borders ng kalapit bansa nito sa Katimugan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.