RT-PCR test result ng lisensyadong laboratoryo, authentic at opisyal — DOH

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na authentic at official ang resulta ng reverse transcription polymerase chain reaction or RT-PCR test na inilalabas ng mga laboratoryo na lisensyado ng kagawaran.

Sinabi ni Usec Maria Rosario Vergeire sa virtual media forum na pumunta lamang sa mga lisensyadong laboratoryo na nagsasagawa ng RT-PCR swab testing upang makasiguro sa resulta.

Ayon pa kay Vergeire,  sa ilalim ng RA 11332 o ang “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Concern Act,” may kaakibat na parusa sa sinumang magtatangka na baguhin o i-tamper ang records  o resulta ng  COVID-19 test.

 Aniya, sa  batas ng notifiable diseases kapag naglabas ng pekeng resulta ang laboratoryo ay may naaayon na sanction sa violation.

Payo ni Vergeire sa publiko, huwag magpatest sa mga hindi lisensyadong laboratoryo dahil  hindi opisyal ang kanilang mga resulta.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.