Tatlong menor-de-edad, 4 pa arestado sa droga sa Caloocan

Share this information:

Arestado ang pitong hinihinalang drug personalities, kabilang ang tatlong menor-de-edad na narescue ng mga awtoridad sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan City police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong 10:50 ng gabi, nagsasagawa ang mga tauhan ng East Grace Park Police Sub-station 2 ng Oplan Galugad sa Raja Soliman St. Brgy. 37 nang isang concerned citizen ang nagreport sa kanila hinggil sa nagaganap na transaksyon ng ilegal na droga sa lugar.

Nang respondehan, nakita ng mga pulis ang magkadikit na si Albert Baluyot Lim Jr, 43, tricycle driver at Denver Enriques Alano, 18, na nagta-transaksyon umano ng ilegal na droga subalit nang mapansin ng dalawa ang mga parak ay mabilis silang nagpulasan.

Hinabol sila ng mga pulis at nang makorner ay nakuhanan ang mga suspek ng tig-isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P1,360 ang halaga ng bawat isa.

Nakuhanan naman ng dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana at drug paraphernalia si Jade Pendon, 18 anyos, ALS student, at isang di pa nakikilalang 17-anyos na binatilyo makaraang takbuhan ng mga ito ang mga tauhan ng Northern Police District-District Mobile Force Battalion (NPD-DMFB) na nagsasagawa ng Oplan Sita sa EDSA-Bagong Barrio Quarantine Control Point (QCP), Caloocan City habang sakay ng isang motorsiklo dakong 12:45 ng madaling araw.

Nauna rito, alas-10:21 ng gabi nang arestuhin ng pinagsamang mga tauhan ng Sub-Station 5, NPD-DMFB at National Capital Region Police Office-Regional Drug Enforcement Unit (NCPRO-RDEU) na nagsasagawa ng checkpoint sa kahabaan ng EDSA corner F. Aguilar St. Brgy. 139 si Rodel Sebastian, 20 anyos, habang sakay ng minamanehong tricycle kasama ang dalawang binatilyong estudyante na kapwa 14-anyos ang edad makaraang tangkain tumakas ng mga ito nang hanapan ng lisensiya at quarantine pass.

Nang kapkapan, narekober sa kanila ang dalawang medium plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana with fruiting tops na tinatayang nasa P3,770 ang halaga at isang improvised glass tube pipe.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Limang drug suspect, tiklo sa Navotas at Valenzuela

Fri Jan 29 , 2021
Limang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang arestado sa magkakahiwalay na drug operation ng pulisya sa mga lungsod ng Navotas at Valenzuela. Dakong 10 ng gabi nang makuhanan ng tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P680 ang halaga ng mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 4 […]

Follow Us

%d bloggers like this: